Isang mangingisda, nawawala sa Marinduque

GASAN, Marinduque – Sa huling tala na iniulat ng NDRRMC, isang mangingisda ang nawawala sa Marinduque matapos itong pumalaot noong kasagsagan ng habagat.

Kinilala ang mangingisda na si Ruben Pahilagmago, 57 taong gulang at naninirahan sa Brgy. Bognuyan, Gasan, Marinduque.

Ayon sa report, dakong alas 7:00 ng umaga nitong Agosto 8 nang umalis sa kanilang tahanan si Ruben upang pumalaot sa baybayin ng Gasan sakay ng isang bangkang de motor. Subalit mga bandang alas 3:00 ng hapon noong araw ding iyon, natagpuan ang bangka na kanyang sinakyan sa pagitan ng karagatan ng Marinduque at Mindoro.

Kaugnay nito, patuloy pa ring nagsasagawa ng search and rescue operations ang mga operatiba upang hanapin ang nawawalang mangingisda.

Nanawagan naman ang pamilya ng biktima sa mga mamayang naninirahan sa mga karatig isla (Mindoro at Romblom) na ipagbigay alam agad sa kanila kung mapadpad ito sa lugar.

Photo courtesy: Anthony, Marinduque Nakaantabay Facebook
Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and chief correspondent of Marinduque News Network. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

Related Posts

Leave a Comment