12 mangingisda, kulong dahil sa iligal na pangingisda sa Buenavista

BUENAVISTA, Marinduque – Sa kulungan ang bagsak ng 12 mangingisda matapos na mahuli ng mga otoridad na nagsasagawa ng iligal na pangingisda sa bayan ng Buenavista, lalawigan ng Marinduque nitong Martes, Oktubre 11.

Sa nakalap na impormasyon ng Marinduque News Online, nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Buenavista PNP Maritime at bantay dagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang labindalawang katao na gumagamit umano ng dinamita habang nangingisda sa tapat ng karagatan ng Baywalk, Barangay Dos, Buenavista.

Ang mga mangingisdang nahuli ay nagmula pa at pawang naninirahan sa Barangay Barra, Lucena City.

Sa ngayon ay nakakulong na sa Buenavista Municipal Police Station ang mga suspek na nakatakdang sampahan ng karampatang kaso.

Photo courtesy: Paul Lasper | For more images, please click here.

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and editor in chief of Marinduque News Network. He is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

Related Posts

Leave a Comment