Sapat na biyahe ng barko sa Marinduque ngayong Semana Santa, tiniyak ni Velasco

Sa pagsisimula ng mahal na araw at bilang paghahanda sa nalalapit na Moriones Festival, nakipagpulong si Marinduque Congressman Lord Allan Jay Q. Velasco sa mga awtoridad nitong Miyerkules, Marso 15.

Sa Facebook page ni Velasco, makikitang nakipagmeeting ang mambabatas kina Maritime Industry Authority (Marina) administrator Marcial Amaro, Montenegro Shipping Lines Operations Manager Dennis Berania at Appropriations Vice Chairman Mark Aeron Sambar upang tiyakin na ligtas at sapat ang bilang ng mga bibiyaheng barko sa Marinduque ngayong Semanta Santa.

Ayon kay Velasco “Montenegro Shipping Lines committed to provide more ferries and additional trips to accommodate the expected crowd of tourists going to Marinduque during the Holy Week. Marina will be monitoring operations and facilitating documentation to ensure that the RoRo’s can extend more ferries during peak season”.

Isa ang Marinduque sa dinaragsa at paboritong pagbakasyunan ng mga turista tuwing mahal na araw dahil sa pamoso nitong Moriones Festival, bukod pa ang mga nagagandahang pook pasyalan kagaya ng Maniwaya, Mongpong at marami pang iba.

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and editor in chief of Marinduque News Network. He is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

Related Posts

One Thought to “Sapat na biyahe ng barko sa Marinduque ngayong Semana Santa, tiniyak ni Velasco”

  1. […] Read also: Sapat na biyahe ng barko sa Marinduque ngayong Semana Santa, tiniyak ni Velasco […]

Leave a Comment