Wagi ang ‘kid contender’ mula Boac sa Tawag ng Tanghalan

“Mula sa Luzon ang cellphonetastic tinig ng Marinduque, FJ ‘Ambo’ Sadiwa”, ganito ipinakilala ni Tiyang Amy ang kiddie contender na si Ambo.

Ayon sa tatay ni Ambo, lagi nitong hawak ang kanyang cellphone kung saan ito ang ginagamit niya sa tuwing nagsasanay itong kumanta.

“Hawak niya lagi ang cellphone kahit sa pagtulog, makikita ko na laang na nakatulog na siya na katabi ang cellphone.”

Idinagdag pa nito “‘Pero hindi ‘yan nakakatulog ng walang ilaw sa kwarto. Three years old pa lamang ‘yan ng matutong kumanta. Mabait din siyang anak.”

Sa score na 91.4%, itinanghal bilang Thursday Daily Winner sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime si France Jonrad ‘Ambo’ Sadiwa matapos nitong makalaban ang iba pang kids contender.

Binigyang tinig ni Ambo ang mga awiting Forever at Ngayoý Naririto na.

Nag-uwi si Ambo ng P10,000.00

Photos courtesy of Tawag ng Tanghalan
Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and editor in chief of Marinduque News Network. He is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

Related Posts

Leave a Comment