Lolo, nalunod sa dagat sa bayan ng Mogpog

Patay ang isang lolo nang malunod ito bandang alas dose ng tanghali sa barangay Capayang, Mogpog, Marinduque. Kinilala ang nasawi na si Alvaro Labos Jr, 67 anyos at residente ng barangay Lamesa, Mogpog. Sa panayam ng Marinduque News kay Whelyn Flores, pamangkin ng biktima, nanghuhuli umano ng isda ang kanyang tiyuhin malapit sa pampang subalit bigla na lamang itong inanod sa malalim na bahagi ng dagat. Isinugod pa si Labos sa pinakamalapit na health center pero idineklara itong dead on arrival. Video courtesy of Ramon Alfonso Villaster

Read More