Lolo, nalunod sa dagat sa bayan ng Mogpog

Patay ang isang lolo nang malunod ito bandang alas dose ng tanghali sa barangay Capayang, Mogpog, Marinduque.

Kinilala ang nasawi na si Alvaro Labos Jr, 67 anyos at residente ng barangay Lamesa, Mogpog.

Sa panayam ng Marinduque News kay Whelyn Flores, pamangkin ng biktima, nanghuhuli umano ng isda ang kanyang tiyuhin malapit sa pampang subalit bigla na lamang itong inanod sa malalim na bahagi ng dagat.

Isinugod pa si Labos sa pinakamalapit na health center pero idineklara itong dead on arrival.

Video courtesy of Ramon Alfonso Villaster
Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and editor in chief of Marinduque News Network. He is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

Related Posts

Leave a Comment