Pinabayaang proyektong tulay sa bayan ng Torrijos, kalbaryo sa mga residente

“Malapit na naman po ang pasukan at tag-ulan, kaya ako po ay lubos na nababahala sa kasalukuyang sitwasyon ng nakabinbin na proyektong tulay sa aming lugar. Kami po ay hirap na hirap na, sana po ay maaksyunan ito ng mga kinauukulan”.

Ito ang pahayag ng isang residente sa barangay Tigwi, Torrijos, Marinduque matapos maranasan ang kalbaryong dulot ng pinabayaang tulay sa kanilang lugar.

Kitang-kita sa video na kuha nitong umaga ng Mayo 26 ang pagtawid ng mga residente sa rumaragasang tubig na maaaring magdulot ng peligro sa kanilang buhay at kalusugan.

Kaya’t nananawagan ang mga mamamayan lalo’t higit ang mga magulang sa mga kinauukulan na bigyang pansin at agad na aksyonan ang suliraning kanilang nararanasan sa ngayon. Takot at pangamba ang kanilang nararamdaman para sa kanilang mga anak na magsisipag-aral kung ang daan papuntang paaralan ay wala sa kaayusan.

Ang Marinduque News Network ay bukas para sa anumang pahayag mula sa mga kinauukulan hinggil sa nasabing proyekto.

Video courtesy of Ruel Constantino
Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Allan C. Macapugay

Allan Macapugay is an Insight Contributor in Marinduque News Network. He is a civil engineering graduate and currently working in Abu Dhabi, United Arab Emirates. Allan is a former choir member of the Marinduque Provincial Capitol Choir and Mary Help of Christians Parish in Balimbing, Boac, Marinduque. Contact him through his email, aljon232000@gmail.com.

Related Posts

2 Thoughts to “Pinabayaang proyektong tulay sa bayan ng Torrijos, kalbaryo sa mga residente”

  1. […] Read also: Pinabayaang proyektong tulay sa bayan ng Torrijos, kalbaryo sa mga residente […]

  2. […] Read also: Pinabayaang proyektong tulay sa bayan ng Torrijos, kalbaryo sa mga residente […]

Leave a Comment