Panawagan sa pamilya ni Tatay Reynaldo Pernia Peregrin ng Santa Cruz

Panawagan sa ating mga kababayang Marinduqueno lalo na sa mga taga Santa Cruz, Marinduque, baka sakaling may mga kamag-anak o kapamilya na nakakakilala kay Tatay Reynaldo Pernia Peregrin.

Ayon sa ibinahaging post ni Grace Deang, si Tatay Reynaldo ay kasalukuyang sakay (as of this posting) ng Saudia, flight no. 872 at darating sa Maynila ngayong araw.

Tatlumpu’t dalawang taon na umano si Tatay Reynaldo na hindi nakakauwi sa Pilipinas. Galing ito sa bansang Sudan. Dahilan sa wala itong pamilya, itu-turnover ito sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at pagkatapos ay dadalhin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon pa sa nagbahagi ng mga larawan, si Tatay Reynaldo ay may parkinson’s disease kaya may kasama ito na taga Department of Foreign Affairs na siyang nangangalaga dito.

Tatay Reynaldo Pernia Peregrin

Mangyaring pakishare lamang ang post na ito upang makarating sa kanyang mga kamag-anakan. Maraming salamat po.

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and editor in chief of Marinduque News Network. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

Related Posts