Marinduquenong seaman, patuloy na pinaghahanap matapos lumubog ang sinasakyang barko sa Atlantic Ocean

Isa ang seaman na si Rodel Oblipias, 29 taong gulang, tubong Lapu-lapu, Santa Cruz, Marinduque sa labing-apat na tripulanteng Pinoy na una ng napaulat na nawawala matapos lumubog ang kanilang sinasakyang South Korean cargo ship sa Atlantic Ocean noong Marso 31, 2017.

Read also: Marinduqueno, kasama sa 14 na Pinoy crew na nawawala sa lumubog na barko sa Atlantic Ocean

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang ginagawang paghahanap ng pamilya nito lalo na ang kanyang kasintahan na si Charmaine Rey na umaasa na makakasamang muli ang kanyang fiancé.

Narito ang madamdaming pahayag ni Charmaine sa kanyang Facebook account.

“Ako po si Charmaine Regio Rey humihingi po ako ng tulong sa inyong lahat na kung sinuman po ang nakakita o namumukhaan ang aking fiancé na si Rodel Pernia Oblipias na nasa picture ay ipagbigay alam naman po sa amin. Isa po kasi s’ya sa 14 na Pinoy at 8 Koreano na nawawalang crew ng MV Stellar Daisy na lumubog sa South Atlantic Ocean noong March 31,2017, 3 months na po ngayon.

Twelve years na po kaming magkasintahan at nakatakda na sana kaming ikasal ngayong darating na December. Nakaset na po ang lahat at napagkasunduan na po sana naming ito na ang huli n’yang sakay at isasama ko na po s’ya sa Canada kasi alam kong napakahirap at delikado ang buhay ng isang seaman.

Patuloy pa rin po kaming pamilya n’ya na naghahanap sa kanya. Ramdam po naming buhay s’ya at nananalig po kami sa Panginoon na ibabalik s’ya sa amin. Hindi po kami titigil sa paghahanap sa kanya kahit pa iniwan ko ang trabaho ko sa Canada para lang matutukan ang paghahanap sa fiance ko. Nagtungo po ako sa Brazil para magtanong at maghanap sa boyfriend ko. Nagtungo rin po ako sa mga island na malapit sa pinaglubugan ng barko. Sobrang sakit po para sa amin ang maisip kung ano ang pinagdaraanan n’ya. But we believe na he will survive all the trials and he will go back to us even if how long it would take.

Sa lahat po ng mga nakakabasa ng post ko at sa mga kababayan ko sa Brazil at Uruguay at sa kagaya n’yang seaman na maaring makakita at nakasagip sa kanila, please help us and notify us through these numbers, +63947-706-9033 or +63999-721-4293 kung mamukhaan n’yo po s’ya. Nakikisuyo na din po ako na i-share ang post ko sa mga kaibigan, kapamilya, kapuso at kakilala n’yo bilang tulong sa amin. Nawa’y sa pamamagitan nito matulungan niyo kaming makita ang nawawala naming mahal sa buhay.

Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na ako sa inyo at naging bahagi na din po kayo ng pamilya namin sa paghahanap sa nawawala kong fiancé.

I love you Rodel ko. Miss na miss na miss na kita, bhie. Sobrang nagaalala na kami sa kalagayan mo. A-antayin kita sa araw ng kasal natin.”

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and editor in chief of Marinduque News Network. He is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

Related Posts