#WalangPasok: Hulyo 31, special non-working holiday sa Marinduque

Walang pasok sa trabaho at sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Marinduque ngayong darating na Lunes, Hulyo 31 sapagkat ipagdiriwang ng probinsiya ang ika-117 na taong paggunita sa makasaysayang Labanan sa Paye na may paksang Labanan sa Paye: Kabayanihan, Gunitain at Ipagmalaki Natin.

Ang Republic Act No. 9749 na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Nobyembre 10, 2009 ay nagdedeklara na special non-working holiday sa buong Marinduque tuwing ika-31 ng Hulyo ng bawat taon.

Base sa kautusan, kinikilala ng pamahalaan ang pagkapanalo ng mga kawal Pilipino sa Labanan ng Paye na itinuturing na isa sa mga bakbakan kung saan namayani ang mga kawal Pilipino sa higit na armadong mga tropang Amerikano.

“July 31 of every year is hereby declared a special nonworking holiday in the entire Province of Marinduque to commemorate the victory of Filipino revolutionists in the Battle of Paye that took place on July 31, 1900. The provincial government of Marinduque and the Municipal Government of Boac, in coordination with the National Historical Institute, shall lead appropriate and meaningful commemorative programs and activities to be participated in by officials and employees of the national, provincial and municipal government agencies and instrumentalities, and civic, religious, nongovernment, business and civil society organizations, in order to give significance and honor to the heroes and heroines of the Battle of Paye”, ayon pa sa batas.

Read also: Marinduque commemorates 116th Anniversary of the Battle of Paye

Ang mga gawain para sa paggunita ng Labanan sa Paye ay magsisimula sa Hulyo 30 sa pamamagitan ng isang Banal na Misa para sa mga bayani ng Paye.

Sa mismong kaarawan naman, Hulyo 31 ay magkakaroon ng parada mula sa Tagwak Junction patungong Sitio Paye.

Susundan ito ng mga seremonya ng paggagawad ng komendasyon mula sa Municipal Peace and Order Council ng bayan ng Boac at pag-aalay ng mga bulaklak para sa mga bayani ng Paye.

Kabilang sa mga inaasahang makikiisa sa paggunita ay sina Rep. Lord Allan Velasco, Gov. Carmencita Reyes, BGen. Lenard Agustin ng 201st Brigade Philippine Army, PCSupt. Froilan Quidilla, Deputy Regional Director ng PNP Mimaropa Region at Boac Mayor Roberto Madla.

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and editor in chief of Marinduque News Network. He is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

Related Posts

4 Thoughts to “#WalangPasok: Hulyo 31, special non-working holiday sa Marinduque”

  1. […] Read also: #WalangPasok: Hulyo 31, special non-working holiday sa Marinduque […]

  2. […] Read also: #WalangPasok: Hulyo 31, special non-working holiday sa Marinduque […]

  3. […] Read also: #WalangPasok: Hulyo 31, special non-working holiday sa Marinduque […]

  4. […] #WalangPasok: Hulyo 31, special non-working holiday sa Marinduque […]

Comments are closed.