Wanted ng Marinduque timbog sa Laguna

Natimbog ng mga pulis ang number 1 most wanted person ng bayan ng Mogpog, Marinduque sa San Pablo City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Natunton ng magkakasanib na puwersa ng San Pablo police station, Mogpog police station at PSC-RPSB (Regional Public Safety ­Battalion) ang pinagtataguan ng suspek na si Don Davis Paulo Ardaniel Marinay sa Purok 5, Barangay Soledad, San Pablo dakong alas-6:30 ng gabi.

Si Marinay ay inaresto sa bisa ng search ­warrant na inisyu mula sa RTC Branch 94 ng Marinduque.

Ito ay nahaharap sa kasong paglabag sa ­Section 5 ng RA 7610 o pambubugaw sa isang batang babae sa Mogpog nitong July 2017.

Source and courtesy of Abante Tonite | Photo credit to the owner

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Marinduque News Network

Marinduque News Network known as Marinduque News which can be pronounced as Marinduquenews [marin'dukenyos] (the people of Marinduque are called Marinduquenos) is a one stop portal of the island province of Marinduque. This site contains as it happens update, latest news and information, people, events and places.

Related Posts