Gob. Reyes, nagdiwang ng kanyang ika-88 na kaarawan

Isang sorpresa ang inihandog ng mga kawani ng Marinduque Provincial Capitol kay Gob. Carmencita Reyes na nagdiwang ng kanyang ika-88 na taong kaarawan nitong Nobyembre 9.

Hindi naitago ng gobernadora ang lubos na kasiyahan ng salubungin ito ng provincial choir na nagmistulang 18th birthday ng isang debutante ang selebrasyon.

Isinayaw si Reyes ni Provincial Administrator Baron Jose Lagran at ng ilang miyembro ng sangguniang panlalawigan kasama rin ang department heads ng iba’t-ibang opisina ng kapitolyo.

Inawitan dinng mga kapulisan ang gobernadora ng kanyang paboritong kanta na pinangunahan ni Police Superintendent Thomas Frias Jr., officer in charge ng Mari