Velasco, Mata Partylist, IBP Marinduque magsasagawa ng benefit concert

Magsasagawa ng joint fundraising project sa pamamagitan ng benefit dinner and dance concert ang Integrated Bar of the Philipines (IBP)-Marinduque Chapter, Ang Mata’y Alagaan Partylist at Lalawigan Aasenso kay Velasco (LAV) na may temang ‘Helping People, Changing Lives’ ngayong Nobyembre 10, 2017, ika-7:00 ng gabi sa Blue Leaf Cosmopolitan, Libis, Quezon City.

Kabilang sa mga magtatanghal ay ang Manila Philharmonic Orchestra (MPO) at Las Bonitas. Kasama rin ang mang-aawit na sina Philippine Baritone Joseleo Logdat, The Voice Kids Season 3 Contender Ragen Angel Penaflor at iba pa.

Ang kikitain ng konsyerto ay mapupunta sa mga sumusunod na proyekto; 1) pagpapaunlad ng bamboo industry sa Marinduque 2) pagbili ng mobile diagnostics and clinics na gagamitin sa cataract missions ng Mata Partylist at 3) dagdag pondo para sa mga biktima ng rape at child abuse na tinutulungan ng IBP Marinduque.

Sa mga nagnanais bumili ng tiket at gustong sumali sa naturang benefit show ay maaaring makipag-ugnayan kay Atty. Rommel Fernandez sa mga numerong 0917-531-4859 at (02) 463-9658.

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and editor in chief of Marinduque News Network. He is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

Related Posts