Shipping line, namahagi ng pagkain sa mga stranded na pasahero

DALAHICAN, Lucena City — Namahagi ng libreng pagkain ang pamunuan ng Starhorse Shipping Line sa mga stranded na pasahero nating kababayan.

Umabot sa 400 katao at may limampung pribado at pampasaherong sasakyan ang na-estranded sa Talao-Talao Port, Lucena City simula ng kanselahin noong Biyernes ng Philippine Coast Guard ang mga biyahe ng barko patungo at paalis ng Marinduque sanhi ng bagyong #UrdujaPH.

Inaasahan na ngayong umaga, Disyembre 18 ay magsisimula na ang byahe ng mga barko sa nasabing pantalan.

Read also: Byahe ng mga barko sa Marinduque, balik na sa normal

Una rito ay nag-anunsiyo na ang Balanacan Coast Guard sa pamamagitan ni Petty Officer III Denmark Cueto, Substation Commander ng Balanacan Coast Guard na balik na sa normal ang mga byahe ng barko sa Balanacan Port, Mogpog ngayong umaga. Ang unang biyahe ng barko patungong Lucena ay magsisimula sa ganap na ika-5:30 ng umaga.

Samantala, patuloy na naka-monitor at nagpapaalala ang mga awtoridad sa publiko na doblehin ang pag-iingat upang makaiwas sa mga sakuna na dulot ng hindi magandang panahon. Marinduquenews.com

#MakeADifference: Help us to stay up, help us to buy a video camera

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and editor in chief of Marinduque News Network. He is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

Related Posts