Mababang bilang ng mga biktima ng paputok, napanatili ayon sa DOH Marinduque

BOAC, Marinduque — Sa pagsalubong sa bagong taon sa Marinduque, napanatili ng Department of Health (DOH) ang mababang kaso ng biktima ng paputok sa lalawigan. Ayon kay Delbert J. Madrigal, Development Management Officer ng DOH-Marinduque, nakapagtala lang muli ng tatlong biktima ng paputok ang kanilang ahensya kung saan ay dalawa ang lalaki at isa ang babae gaya rin ng bilang na kanilang naitala noong 2017. Nangunguna pa rin sa listahan ng mga paputok na madalas gamitin ng mga biktima ang lucis, piccolo at baby rocket. Sa nakitang obserbasyon ng DOH-Marinduque,…

Read More

21 estudyante ng Marinduque State College pumasa sa scholarship ng DOST

BOAC, Marinduque — Inilabas na ng Department of Science and Technology-Provincial Science and Technology Center (DOST-PSTC) Marinduque ang mga pumasa sa 2017 Junior Level Science Scholarship (JLSS). May bilang na 21 mag-aaral mula sa Marinduque State College (MSC) ang nabigyan ng pagkakataon na mapasama sa nasabing scholarship. Pitong estudyante ang nagmula sa Boac, anim sa Mogpog, dalawa sa Sta. Cruz, dalawa sa Torrijos, isa sa Buenavista at tatlo sa Gasan. Ang mga mag-aaral na nabibilang dito ay sina: Avegail Luz Banega, Ellaine Martillano Jalos, Rose Ann Jandusay Llave, Ronamel Sapalaran…

Read More