Ms. Earth 2017 at iba pang beauty queens, bibisita sa Marinduque

SANTA CRUZ, Marinduque – Nakatakdang bumisita sa Marinduque si Ms. Earth 2017 Karen Ibasco, kasama ang iba pang reigning beauty queens ng Ms. Earth ngayong Abril 17 at 22, 2018.

Sa Martes, Abril 17, ganap na ika-6:00 ng umaga ay magkakaroon ng ground breaking ceremony ng Conservation of Ocean Resources and Aquatic Life (CORAL) sa Maniwaya Island, Santa Cruz. Pagkatapos, ito ay susundan ng motorcade parade sa town plaza ng naturang bayan. Makakasama ni Ibasco sina Ms. Philippines Eco Tourism Vanessa Castillo at Ms. Philippines Fire 2017  Nelza Bautista.

#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera

Samantala, sa Sabado, Abril 22 naman ay isasagawa ang Earth Day Celebration sa bayan pa rin ng Santa Cruz na pangungunahan nina Ms. Philippines Water 2017 Jessica Marasigan at Ms. Philippines Air 2017 Kim De Guzman.

Sa taong ito, mayroong humigit 50 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang maglalaban-laban upang sungkitin ang prestihiyosong korona at titulo.

Ang Miss Philippines Earth 2018 Coronation Night ay isasagawa ngayong Mayo 19 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City at mapapanood ang telecast sa ABS-CBN Channel 2 sa Mayo 20, alas-10:00 ng umaga. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and editor in chief of Marinduque News Network. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

Related Posts