‘Shirtless in public’ bawal na sa bayan ng Boac

BOAC, Marinduque – Ganap nang ipinatutupad sa bayan ng Boac ang ordinansa na nagbabawal sa mga mamamayang lumabas sa pampublikong lugar na walang damit na pang-itaas.

Ang kautusan na ito ay naaayon sa Municipal Ordinance No. 2018-237: an Ordinance Prohibiting the Act of Being Half-Naked or Shirtless in Public Places within the Territorial Jurisdiction of the Municipality of Boac’.

#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera

Ang mahuhuling lumabag nito sa unang pagkakataon ay magmumulta ng P500; para sa susuway sa pangalawang pagkakataon ay P1,000; at P2,500.00 naman sa mahuhuli sa pangatlo at susunod pang paglabag.

Nabibilang naman sa exemption ang mga nanay na nagpapasuso sa sanggol, mga katutubong nagsusuot ng kanilang pang-etnikong kasuotan, mga naliligo sa dagat, ilog at swimming pool, pagtatanghal na may kaakibat na permiso mula sa munisipyo at pangyayaring hindi inaasahan.

Ang may-akda ng ordinansang ito ay si Kon. Bernadine O. Mercado na pinanukalaan ni Kon. Rolando M. Larracas. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Adrian Sto. Domingo

About the Author: Adrian Sto. Domingo is a senior correspondent of Marinduque News Network. Concurrently, he is the branch manager of Philippine Information Agency (PIA)-Marinduque. Adrian completed media and communication studies at the University of Malaya in Malaysia as an exchange student. He graduated Bachelor of Science in Mass Communication at Manuel S. Enverga University Foundation. Follow his social media account below and contact him through his email, adrian_sto.domingo@ymail.com.

Related Posts