Gumuhong tulay at ‘di matapos-tapos na irrigation system sa Boac, sisiyasatin

BOAC, Marinduque – Tatalakayin sa Investigative Documentaries ng beteranong journalist na si Malou Mangahas ang gumuhong tulay sa barangay Bayuti, bayan ng Boac. Ginawa ang tulay na ito noong Marso 2017 para magamit ng mga tao sa tuwing lumilikas kapag malakas ang ulan. Ang problema, gumuho ang tulay limang araw matapos itong buhusan ng semento. 67 metro ang haba nito at pinondohan ng P2 milyon. Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Marinduque District Engineering Office ang nagpatupad ng proyekto. Ano kaya ang nangyari at bumigay ang tulay? Samantala,…

Read More

Hepe ng Santa Cruz Police, sibak sa pwesto

SANTA CRUZ, Marinduque – Sinibak sa pwesto ang hepe ng pulis sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque dahil sa mababang performance sa ‘anti-illegal drug operations’ ng Philippine National Police. Ang relief order na inaprubahan ni Mimaropa Regional Director, Police Chief Supt. Emmanuel Luis Licup galing sa Oversight Committee on Illegal Drugs ay epektibo simula pa nitong Lunes, Hunyo 11. Base sa report ng Regional Directors Committee on Illegal Drugs (RDCID), kabilang ang hepe ng Santa Cruz sa 24 na hepe sa buong Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) na mahina o…

Read More