Hayden Kho tatakbong congressman sa Marinduque vs Lord Velasco

TORRIJOS, Marinduque – Sasabak sa pulitika si Hayden Kho, mister ng celebrity doctor na si Vicki Belo, upang kalabanin umano ang kasalukuyang kinatawan ng nag-iisang distrito ng Marinduque sa Kongreso na si Congressman Lord Allan Jay Velasco.

Base sa eksklusibong impormasyon na nakalap ng Abante, pinatatakbo diumano si Kho ng dating nakalaban ni Velasco na si Regina Ongsiako Reyes na pinatalsik ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) bilang kongresista ng Marinduque dahil sa isyu ng citizenship.

Inamin naman ni Kho ang alegasyong may nagpapatakbo sa kanya para kalabanin si Velasco pero hindi nito binanggit kung sino.

“The only thing I can say is I was asked,” pahayag ni Kho.

Si Velasco ay napa­balitang papalit sa puwesto ni House Speaker Pantaleon Alvarez. Umugong din ang balita na may interes si Velasco na maging majority leader ng Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso.

Ang 38-anyos na si Kho ay minsan nang nasangkot sa iskandalo matapos kumalat ang sex video nito sa ilang babae, kabilang ang aktres na si Katrina Halili noong 2009.

Una ng napabalita ang pagkandidato ni Kho matapos itong bumisita sa probinsya nitong nakaraang Enero. -May kabuuang ulat sa Abante

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Marinduque News

Marinduque News Network known as Marinduque News which can be pronounced as Marinduquenews [marin'dukenyos] (the people of Marinduque are called Marinduquenos) is a one stop portal of the island province of Marinduque. This site contains as it happens update, latest news and information, people, events and places.

Related Posts