Hepe ng Santa Cruz Police, sibak sa pwesto

SANTA CRUZ, Marinduque – Sinibak sa pwesto ang hepe ng pulis sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque dahil sa mababang performance sa ‘anti-illegal drug operations’ ng Philippine National Police.

Ang relief order na inaprubahan ni Mimaropa Regional Director, Police Chief Supt. Emmanuel Luis Licup galing sa Oversight Committee on Illegal Drugs ay epektibo simula pa nitong Lunes, Hunyo 11.


Base sa report ng Regional Directors Committee on Illegal Drugs (RDCID), kabilang ang hepe ng Santa Cruz sa 24 na hepe sa buong Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) na mahina o mababa ang performance sa kampanya kontra iligal na droga.

Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, hepe ng Regional Public Information Office ng PRO Mimaropa, malilipat sa Palawan Police Provincial Office ang mga nasibak na hepe.

Ang RDCID ay itinatag alinsunod sa PNP Supplemental Operations, Guidelines and Policies on Anti-Illegal Drug Campaign na binubuo ng mga miyembro mula sa Regional Police Office upang subaybayan ang mga ginagawa ng mga hepe patungkol sa kampanya kontra iligal na droga.

Nagpaalala naman si Licup sa natitirang 53 hepe ng pulisya sa Mimaropa na mababa rin ang performance na mag doble-kayod sa kanilang anti-criminality operations lalo na sa paglaban sa iligal na droga kung hindi ay matutulad ang kanilang kapalaran sa 24 na nasibak sa pwesto. -May kasamang ulat mula sa Romblon News

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and chief correspondent of Marinduque News Network. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

Related Posts