Panukalang maging unibersidad ang Marinduque State College, pasado sa kongreso

BOAC, Marinduque – Ipinasa na ng House Committee on Higher and Technical Education ang Substitute Bill No. 1281 na binalangkas ni Marinduque Lone Representative Lord Allan Jay Q. Velasco na naglalayong gawing unibersidad ang Marinduque State College (MSC).

Sa isinagawang house committee meeting na dinaluhan nina Commission on Higher Education Officer-in-Charge Prospero de Vera at Dr. Merian C. Mani, presidente ng MSC, ang nasabing panukalang batas ay pinangalawahan ng mga kasapi ng komite.

Kung sakaling ito ay tuluyan nang maipasa sa senado at mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, tatawagin ang nasabing pamantasan na Marinduque State University (MSU) maging ang mga satellite campus nito sa mga bayan ng Santa Cruz, Torrijos at Gasan.

Magkakaroon din ng kalayaang pang-akademiko at otonomiya ang nasabing paaralan kung ito ay maisasakatuparang maging isang ganap na batas. Marinduquenews.com

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Adrian Sto. Domingo

About the Author: Adrian Sto. Domingo is a senior correspondent of Marinduque News Network. Concurrently, he is the branch manager of Philippine Information Agency (PIA)-Marinduque. Adrian completed media and communication studies at the University of Malaya in Malaysia as an exchange student. He graduated Bachelor of Science in Mass Communication at Manuel S. Enverga University Foundation. Follow his social media account below and contact him through his email, adrian_sto.domingo@ymail.com.

Related Posts