Gising Provincial Government of Marinduque

Should I say now, walang ‘balls’ ang provincial government ng Marinduque? Imagine okay naman ang infrastructures though not perfect. All roads leading to another town or municipality is okay. Pero bakit ang transport system for the longest time walang pagbabago? Mas malala. There should be fair playing field for those with intention to enter business venture. Ano ang pumipigil? Again, the game of dirty politics and dirty politicians. Unang una, ang sea transport, bulok at wrongly modified ang mga barko. Walang fair competition dahil pinapaboran ang mga negosyong posibleng favorable…

Read More

Abandonadong minahan sa Mogpog at Santa Cruz nais gawing ecotourism area ng DENR

BOAC, Marinduque – Matapos personal na makita ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Regina “Gina” Lopez ang naging epekto ng malawakang pagbaha ng tailings ng Marcopper sa ilog ng Mogpog at Boac, nais ng kanilang ahensya na gawin ang mga abandonadong minahan bilang ecotourism destination. Ayon kay Lopez, makatutulong ang biochar upang mapanumbalik ang katabaan ng lupa sa pamamagitan ng uling. Epektibo umano ang ganitong pamamaraan upang muling mapagtaniman ang napabayaang lugar at malaki ang maaaring maitulong nito sa organikong pagsasaka. Bukod pa rito, malaki rin ang…

Read More

Makina ng Napocor, sumabit na palapa sa ‘transmission line’, itinuturong sanhi ng brownout sa Marinduque

BOAC, Marinduque – Sa panayam sa radyo kay Engr. Gaudencio M. Sol, Jr., general manager ng Marinduque Electric Cooperative (Marelco) noong Huwebes, Abril 6, nilinaw nito na sapat ang supply ng kuryente sa buong probinsiya. “Ang supply ng kuryente sa lalawigan ay tama lang para sa buong Marinduque, wala po tayong problema”, ayon kay Engr. Sol. “Ikinalulungkot ko po sa ating mga kababayan na nagkaroon ng paputol-putol na supply ng kuryente sa kadahilanang hindi maiiwasang mga pangyayari. Tulad noong April 3, nagsimula ng madaling araw, 0045, na ang unit rental…

Read More

Maayos na supply ng tubig, hiling ng mga mamamayan sa Mogpog

By Adeline Angeles, Former Marinduque Board Member Halos anim na buwan na pong walang maayos na supply ng tubig sa bayan ng Mogpog, Marinduque. Simula pa noong Nobyembre 2016. Kung saan-saan na lang kumukuha ng tubig ang mga mamamayan lalo na sa Poblacion. Marami ang gumagastos ng P100-P200 kada araw para magpa-igib sa ibang lugar. Ang iba ay dumadayo pa sa bayan ng Boac. “Malapit na daw pong maayos”, ito ang laging sagot kapag may nagtatanong. Subalit dumaan ang Pasko, Bagong Taon, Valentines at ngayon ay mag-se-Semana Santa na pero naghihintay,…

Read More

Hiling na ‘authority’ ni Reyes, disaprub; Nepomuceno, inalisan ng komite

BOAC, Marinduque – Sa nangyaring sesyon nitong Miyerkules, Marso 22, tuluyan ng ibinasura ng Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque ang kahilingan ni Gov. Carmencita Reyes na mabigyan ito ng ‘authority’ upang pumasok sa kasunduan sa pagitan ng pamahalang panlalawigan at Diamond McCarthy Law Firm bilang legal counsel, sa Parabellum Capital para sa funding agreement at sa Lax O’Sullivan Lisus Gottieb Law Firm bilang local retainer sa kasong isasampa sa bansang Canada laban sa Placer Dome at Barrick Gold kaugnay ng patuloy na paghahabol ng hustisya sa pinsalang tinamo ng lalawigan sa…

Read More

Nepomuceno vs Nepomuceno: Malaking kabulaanan po Bokal Allan

“Malaking kabulaanan po Bokal Allan Nepomuceno” ito ang naging pahayag ni ex-mayor at dating bokal Pedrito ‘Toto’ Nepomuceno matapos mapanood ang naging interview kina Assistant Provincial Prosecutor (APP) Jun Timtiman at Bokal Allan Nepomuceno sa isang programa sa radyo nitong Marso 18. Narito ang buong pahayag ni dating bokal Toto Nepomuceno na inilathala sa kanyang Facebook account na may petsang Marso 19. “Ginagamit ang Radyo Natin-Boac nina Bokal Allan Nepomuceno at Assistant Provincial Prosecutor Jun Timtiman spreading disinformation and outright lies sa isyu ng Marcopper. Sa loob ng 45 minuto…

Read More

Abandonadong Marcopper mining sites, delikado na sa publiko -DOH

Matapos mag-inspeksyon ang Mines and Geosciences Bureau, itinuturing naman ngayon ng Department of Health na delikado na sa publiko ang abandonadong Marcopper Mining Corporation minesites sa lalawigan ng Marinduque. Ayon kay Mimaropa regional health director Eduardo Janairo, naging basehan nito ang iniulat ng mga local officials na leaks o tagas sa isa mga dam ng minahan. Batay sa 1996 report ng United State Geological Survey, tinukoy nito ang Makulapnit at Marcopper’s Maguilaguila Water Dam na parehong nasa state of imminent danger of collapsing. Janairo: Delikadong delikado lalo’t marami nang infrastructures…

Read More