Lalaki, natagpuang patay sa compound ng simbahan sa Marinduque

Sa Boac, Marinduque isang lalaki ang natagpuang patay sa compound ng isang simbahan. Kinilala ang biktima na si John Winston Manrique, dalawampu’t tatlong gulang at tauhan ng simbahan. Isang kagawad ang nakakita sa labi habang maglilinis siya sa lugar. Base sa imbestigasyon, internal hemorrhage ang naging sanhi nang pagkamatay ng biktima matapos itong mahulog mula sa Veranda. Nagtamo siya ng sugat sa ulo at panga. Inaaalam pa ang tunay na dahilan ng pagkahulog ng biktima. Wala naman daw foul play sa insedente.

Read More

Mga lalaki sa Marinduque, sumasayaw kay Santa Clara para humiling ng anak

Kung sa Obando, Bulacan kalimitang mag-asawang gustong magkaanak ang sumasayaw kay Santa Clara, sa Marinduque mga lalaki lang ang umiindak para humiling ng supling. Sila po mga kapuso ang sumasama sa prusisyon sa bayan ng Boac na walang hiya-hiya, sumasayaw talaga sila, habang nilalakad ang apat na kilometrong ruta ng prusisyon. Paniwala nila mabibiyayaan sila ng labintatlong anak kapag sumayaw sila sa Poon ni Santa Clara. Dati raw ay mga mag asawa ang sumasayaw sa prusisyon pero naiba na ito sa paglipas ng panahon.

Read More