Cong. Allan Velasco at misis nito, magkaka-baby na

Buntis na ang misis ni Marinduque Lone District Representative Lord Allan Jay Velasco na si Rowena Kristina Amara. Ito ang inanunsyo ni Velasco sa kaniyang Facebook account, kung saan ay nagpost ito ng larawang nagpapakita na positibo sa pregnancy test ang misis nito na may caption, “We are trully blessed! Thank you Lord Jesus, indeed prayers have been answered. To God be all the glory!” Agad namang binaha ng pagbati mula sa mga kaibigan at kakilala sina Wen at Allan. Matatandaan na taong 2012 nang ikinasal ang dalawa sa Diamond…

Read More

Hayden Kho, muling bumisita sa Marinduque

Sakay ng isang chartered plane, muling bumisita sa Marinduque ngayong Martes, Enero 30 ang celebrity doctor at ngayon ay isa ng ganap na Kristiyano na si Hayden Kho. Ayon sa report, balak umano ng grupo ni Kho na magtayo ng resort sa lalawigan. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera Samantala, sa kanyang Instagram account ay masayang ibinahagi ni Kho ang muli nilang pagkikita ng kanyang dating yaya na ngayon ay isa ng guro sa Bangbang National High School sa Gasan, Marinduque. Ayon pa…

Read More

Sa kontrobersyal na award ni Mocha, alam n’yo baga na ang presidente ng UST alumni ay Marinduqueno?

Mainit na pinag-uusapan ngay-on sa social media ang iginawad na parangal ng University of Santo Tomas Alumni Association Inc. (USTAAI) kay Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Esther Margaux “Mocha” Uson bilang Thomasian Government Service awardee. Umani ito ng batikos sa mga netizen, alumnos at mga estudyante ng unibersidad sapagkat hindi umano karapat-dapat na gawaran ng nasabing pagkilala si Uson sa dahilang marami raw ang mas deserving na alumni ng UST na dapat bigyan ng parangal. At kung ang basehan laang umano ay dahil naglilingkod sa gobyerno, ay aba, dapat…

Read More

Samaritana, nananawagan ng tulong upang maiuwi si lola sa Marinduque

Nanawagan si Raine Guevarra na matulungan siyang maiuwi sa Marinduque si Lola Julieta Morales, 77 taon gulang. Ayon kay Guevarra, naghahanap siya ng makakainan sa isang mall sa Daang Hari, Imus, Cavite ng makita n’yang nagpapalakad-lakad si Lola Julieta habang hawak-hawak ang tiyan nito at namamalimos ng barya. Narito ang kanyang ibinahaging post sa Facebook. “Hello po. Magandang hapon mga Ka Facebook. Gusto ko po sanang matulungan ang lola na ito na makauwi sa kanyang pamilya ngunit sa ngayon ay hindi pa sapat ang aking kakayahan para matulungan ko s’yang…

Read More

Archbishop Ricardo Cardinal Vidal, pumanaw na

Pumanaw na si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal ngayong Miyerkules ng umaga, Oktubre 18, sa edad na 86, isang linggo matapos na isugod ito sa ospital sanhi ng hindi pagbaba ng lagnat nito, hirap huminga at pagkatapos ay nacomatose ito. Ayon kay Dr. Rene Joseph Bullecer, isa sa mga doktor at pinakamalapit na kaibigan ni Vidal, nakatanggap ito ng tawag bandang alas-7:00 ng umaga na ang kardinal ay kailangang i-revive dahil ang presyon ng dugo nito ay bumaba. Ang kardinal ay nalagutan ng hininga makalipas ang ilang minuto. Sinabi rin ni…

Read More

MNHS, wagi sa 5th NCCA Diwang Sagisag National Songwriting and Performance

Itinanghal na grand champion ang Marinduque National High School (MNHS) sa katatapos lamang na 5th NCCA (National Commission of Culture and the Arts) Diwang Sagisag National Songwriting and Performance na ginanap sa NCAA Building, Intramuros, Manila. Sa pag-awit ng awiting “Isang Dugo, Isang Ugat”, naipamalas nina Jerson Manahan (teacher/voice coach), Nikko Reyes (teacher/composer) at Karylle Manrique (estudyante/co-singer) ang kanilang galing sa pagkanta bilang kinatawan ng buong rehiyon ng Mimaropa. “Thank you God for the talent! Salamat po for the prayers and for those who supported us! Malupit talaga ang Composer Nikko Reyes and co-singer Karylle…

Read More

8 estudyante ng MSC, pumasa sa Social Worker Board Exam

Pumasa ang walong produktong mag-aaral ng Marinduque State College sa nakaraang Social Worker Board Examination. Ang mga nakapasa sa board exam ay sina Angela Lora P. Alvarez, Eunina Belle L. Dimagiba, Zaidelyn M. Fabon, Dannie Ann P. Fiedalan, Ruby Anne S. Malvar, Maria Clea S. Mascarinas, Rosielyn N. Nepomuceno and Krystal Gael P. Pelaez. Ayon sa Marinduque State College, sila ay kinikilalang unang pangkat ng paaralan na nakakuha ng lisensya mula sa Professional Regulation Commission (PRC) sa programang Bachelor of Science in Social Work. Nagpaabot naman ng pagbati ang pangulo…

Read More

Tula ng batang Marinduqueno para kay Pres. Duterte viral sa social media

Marami ang natuwa at humangang netizen sa viral na video ng isang munting bata kung saan makikita at maririnig na inaalayan nito ng madamdaming tula ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte habang nakasukbit sa tagiliran nito ang isang mahabang itak. Ang bata na tinaguriang munting makata ng bayan ay si Jay Alexis Fabrero, magwawalong taong gulang sa darating na Agosto 6 ay bunso sa pitong magkakapatid, isinilang at kasalukuyang naninirahan sa sitio Apartahan, barangay Tigwi, bayan ng Torrijos, Marinduque. Kwento ng kapatid ni Alexis na si Sheryl sa Marinduque News,…

Read More