Hepe ng Santa Cruz Police, sibak sa pwesto

SANTA CRUZ, Marinduque – Sinibak sa pwesto ang hepe ng pulis sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque dahil sa mababang performance sa ‘anti-illegal drug operations’ ng Philippine National Police. Ang relief order na inaprubahan ni Mimaropa Regional Director, Police Chief Supt. Emmanuel Luis Licup galing sa Oversight Committee on Illegal Drugs ay epektibo simula pa nitong Lunes, Hunyo 11. Base sa report ng Regional Directors Committee on Illegal Drugs (RDCID), kabilang ang hepe ng Santa Cruz sa 24 na hepe sa buong Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) na mahina o…

Read More