Payahag ni Cong. Velasco hinggil sa elektrisidad sa Marinduque

Sa Facebook account ni Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco ay ipinahayag nito noong Hunyo 22 ang mga konkretong pagkilos na ginagawa ng kanyang opisina upang tuluyan ng masolusyunan ang problema ng kuryente sa probinsya. Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag. “Noong nakaraang ika-13 ng Hunyo, nagtungo po ang inyong kinatawan sa National Power Corporation (Napocor) upang ilapit ang suliranin sa kuryente ng ating lalawigan. Malugod ko pong ibinabalita sa ating mga mahal na Marinduqueno na tayo ay agarang pinakinggan at pinagbigyan ng Napocor. Tinitiyak ni Napocor President Pio Benavidez…

Read More

Club Marinduqueno nagsagawa ng medical, dental mission sa Marinduque

TORRIJOS, Marinduque – Naging matagumpay ang isinagawang medical and dental missions sa Marinduque sa tulong ng Club Marinduqueno, Inc. (CMI), isang samahan ng mga Marinduqueno na nakabase sa Metro Manila na naitatag noong 1991 na may layuning matulungan ang kapwa kababayang nangangailangan ng atensyong medical at dental. Ang unang araw ng medical mission ay isinagawa nitong Biyernes, Hunyo 23 sa barangay hall ng Argao, bayan ng Mogpog samantalang ang ikalawang araw ng aktibidad ay isinagawa nitong Sabado, Hunyo 24 sa barangay hall ng Matuyatuya sa bayan naman ng Torrijos. Daan-daang…

Read More

Pinabayaang proyektong tulay sa bayan ng Torrijos, kalbaryo sa mga residente

“Malapit na naman po ang pasukan at tag-ulan, kaya ako po ay lubos na nababahala sa kasalukuyang sitwasyon ng nakabinbin na proyektong tulay sa aming lugar. Kami po ay hirap na hirap na, sana po ay maaksyunan ito ng mga kinauukulan”. Ito ang pahayag ng isang residente sa barangay Tigwi, Torrijos, Marinduque matapos maranasan ang kalbaryong dulot ng pinabayaang tulay sa kanilang lugar. Kitang-kita sa video na kuha nitong umaga ng Mayo 26 ang pagtawid ng mga residente sa rumaragasang tubig na maaaring magdulot ng peligro sa kanilang buhay at…

Read More

Magkapatid na Velasco, 215 iba pa bumoto pabor sa death penalty

Tuluyan ng pumasa sa ikatlo at panghuling pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill Number 4727 o ang death penalty bill nitong Marso 7. Sa pamamagitan ng nominal voting, 217 mambabatas ang bumoto ng Yes sa pagbabalik ng death penalty habang 54 lamang ang tumutol at may isang nag-abstain. Isa si Cong. Lord Allan Q. Velasco ng Marinduque sa dalawangdaan at labingpitong mambabatas na bumoto pabor sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa. Layunin ng panukang batas na ipaubaya sa mga huwes ang paghahatol ng bitay sa…

Read More

Binata sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa Cabuyo, Torrijos

TORRIJOS, Marinduque – Sugatan ang isang lalaki matapos maaksidente sa ‘national highway’ na sakop ng barangay Cabuyo sa bayan ng Torrijos, Marinduque. Nakilala ang nasugatang biktima na si Marco Watiwat, dalawampu’t anim na taong gulang, residente ng nasabing barangay. Ayon sa ilang nakasaksi, naganap ang aksidente malapit sa Paaralang Elementarya ng Cabuyo bandang alas 9:30 kaninang umaga. Nag ‘slide’ umano ang sinasakyang motorsiklo ng biktima at saktong dating naman ng isang sasakyan kaya sumalpok ang motorsiklo sa SUV na minamaneho ng isang bumbay. Wala namang nasugatan na sakay ng SUV.…

Read More

Marinduque, masiglang nakikiisa sa kampanya laban sa rabies

TORRIJOS, Marinduque – Ang lalawigan ng Marinduque ay buong siglang nakikiisa sa taunang pagdiriwang ng ‘rabies awareness month’. Sa kasalukuyan ay puspusan ang ginagawang paghuli sa mga asong gala sa barangay Dampulan sa bayan ng Torrijos at iba pang barangay sa buong lalawigan sa pangunguna ni Dr. Josue M. Victoria, Marinduque Provincial Veterinary at mga tauhan ng Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo. Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang estado ng Marinduque bilang isang probinsiya na ligtas sa panganib na dulot ng rabies, gayundin upang tuluyan ng masupil ang mga aksidente…

Read More

Buntal weavers in Marinduque remain strong after Typhoon Nina

TORRIJOS, Marinduque – In one fell swoop, the livelihood of 30 mothers in Barangay Bonliw, Torrijos, Marinduque was blown away. Typhoon Nina not only caused massive damage to properties in the island but it also destroyed the bleaching, dyeing, and warping stations of Buntal weavers in the barangay. According to Julie Ann Reginio, one of the Buntal weavers, they already secured clients for their products before the typhoon struck. But since almost all the looms were destroyed, they did not have the capacity to push through with the orders. “Sayang…

Read More

Marinduque will receive P1.5 million from Makati City

Makati extends P15-M aid to 27 LGUs affected by Typhoon #NinaPH The Makati City Council has approved the release of P15-million as financial assistance to 27 local government units (LGUs) directly affected by Typhoon Nina in the provinces of Quezon, Albay, Camarines Sur, Catanduanes, and Marinduque. Mayor Abby Binay had initiated the move as an expression of sympathy and support for the typhoon victims of the said LGUs, all of which are sister-localities of the city. “I am saddened that our sister-localities had endured such a calamity at a time…

Read More