Pagbisita ni Duterte sa Marinduque ngayong araw, kasado na

Bibisita ngayong araw, Huwebes, Mayo 5, 2016 si Mayor Rodrigo “Digong” Duterte sa lalawigan ng Marinduque.

Ang Presidential Campaign Rally ay gaganapin sa People’s Park formerly Guingona Park sa Gasan, Marinduque sa ganap na ika-isa ng hapon. Matatandaan na una ng inanunsyo na sa Marinduque State College Oval, Boac, Marinduque idaraos ang nasabing pagtitipon subalit hindi ito natuloy matapos ‘di umano aprobahan ng *MSC Board of Trustees ang kahilingan ng mga organizers.

Inaasahan na magdaragdag ng kasiyahan sa naturang event ang mga susunod na performers: Takerz Band, Damorions, Gilinggiting, Moymoy Palaboy, K Brosas, Freddie Aguilar and Chocolate Factory

Nagpaalala naman si Seller Nolos, main event organizer, na magdala ng sariling “bottled water” gayundin ng anumang panangga sa init ng araw.

Request: Para sa mga post na may kinalaman sa pagbisita ni Duterte sa Marinduque mangyaring gamitin ang hashtag na #DU30Marinduque upang madaling masundan ang mga kaganapan.

Para sa karagdagang larawan, click here.

*Bukas ang portal news na ito sa anumang paliwanag ng MSC BOT.

Posted by Romeo Mataac Jr, Marinduque News Portal

What's on your mind?

Marinduque News

MNN is a one-stop online portal serving the island province of Marinduque. Aside from providing the latest news, information and as-it-happens updates in and around the province, the site likewise lends its hands in promoting the island to boost local tourism. It serves as the eyes, ears and voice of every Marinduqueno,
Marinduque News

Related posts

Leave a Comment