Marinduque Vines sa Kapuso Mo Jessica Soho

Inabangan at sinuportahan kagabi ng mga manonood lalo ng mga Marinduqueno ang performance ng Marinduque Vines sa GMA 7 Kapuso Mo Jessica Soho.

Sa introduction ni Jessica Soho “Ang grupo namang ito, habang nakatopless, sabay sabay kumending. Sila ang Marinduque Vines!”

Ang Marinduque Vines ay grupo ng mga kabataan na nagmula sa bayan ng Gasan, lalawigan ng Marinduque.

Ayon sa leader ng grupo na si Diether Monsanto, “Mahilig po kaming magpasaya ng ibang tao kahit medyo nagmumukha na kaming kenkoy kasi balak lang po talaga naming magpasaya.”

Ipinakita ng Marinduque Vines ang galing at talento nila sa pagsayaw sa saliw ng awiting viral ngayon sa social media, “Ang Tatlong Bibe”.

Halina’t panoorin ang kanilang nakakaaliw na performance.

Related article:

Posted by Romeo Mataac, Jr.

Marinduque News

Related posts

Leave a Comment