Marinduque congressman, nanumpa na sa tungkulin

Nanumpa na sa tungkulin ngayong umaga, Hunyo 30, 2016 ang bagong halal na congressman ng Lone District ng Marinduque na si Lord Allan Q. Velasco. Ang panunumpa ay isinagawa sa Torrijos Covered Court, Torrijos, Marinduque. Kasabay niyang nanumpa ngayong araw, ang mga bago ring halal na pinuno ng Bayan ng Torrijos sa pangunguna ni Mayor elect, Lorna Q. Velasco. Photo courtesy: Ian San Juan

Marinduqueno, nakatanggap ng scholarship para mag-aral sa Europa

Mapalad na napili at nabigyan ng pagkakataon na magpatuloy ng post-graduate study sa tatlong mga bansang sakop ng European Union si Joan Carlo “JC” L. Mayangitan tubong Boton, Boac, Marinduque. Si Mayangitan, isang registered nurse ay pinagkalooban ng Erasmus Mundus Scholarship – Masters in Public Health in Disasters. Siya ay nakatakdang mag-aral sa mga prestihiyosong unibersidad kagaya ng University of Oviedo sa Spain, Karolinska Institutet sa Sweden at Universite Catholique de Louvain sa bansang Belgium para sa School Year Edition 2016-2017. Bago nito, nakatanggap din si JC ng scholarship at nag-aral sa Universitat Pompeu Fabra sa Espanya noong 2014.…