Lalaki, natagpuang patay sa compound ng simbahan sa Marinduque

Sa Boac, Marinduque isang lalaki ang natagpuang patay sa compound ng isang simbahan. Kinilala ang biktima na si John Winston Manrique, dalawampu’t tatlong gulang at tauhan ng simbahan. Isang kagawad ang nakakita sa labi habang maglilinis siya sa lugar.

Base sa imbestigasyon, internal hemorrhage ang naging sanhi nang pagkamatay ng biktima matapos itong mahulog mula sa Veranda.

Nagtamo siya ng sugat sa ulo at panga. Inaaalam pa ang tunay na dahilan ng pagkahulog ng biktima. Wala naman daw foul play sa insedente.

What's on your mind?
Marinduque News

Related posts

Leave a Comment