Kasamarin Summer Basketball Tournament Sports Balita

Team Bangiz-Boac nagkampeon laban sa Team Warriors-Torrijos

Nasungkit ng Team Bangiz-Boac ang kampeonato laban sa Team Warriors-Torrijos sa katatapos lamang nang makapigil hiningang laban sa pagitan ng Team Boac at Team Torrijos na ginanap sa Manila Bulletin Gym sa Intramuros, Maynila.

Sa mga unang quarter ng laro ay nanguna ang Team Warriors-Torrijos subalit sa panghuling quarter umarangkada ang Team Bangiz-Boac. Natapos ang mga buslo sa mga iskor na 118 para sa Team Bangiz at 114 para sa Team Warriors sa kalamangang apat (4) na puntos.

Samantala, inaanyayahan naman ang lahat na dumalo sa Awarding Ceremony ng 1st Season 11th KASAMARIN Summer Basketball League 2016 na gaganapin sa darating na ika-11 ng Hunyo 2016 alas 7 ng gabi, sa 539-A Camelot Bldg. Penthouse,
Juan Luna Street, Binondo, Manila.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa kanilang Facebook account.

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts

Leave a Comment