That Promdi Girl

Sa aking pang-araw-araw na paghahanap ng balita para sa Marinduque News Online ay ilang araw ko na ring pahapyaw na nadaraan ang kwento ng isang babeng promdi na nagngangalang Althea na pinag-uusapan ngayon ng mga millennials. Kaya naman para makarelate ay pinaglaanan ko ito ng panahon upang basahin at kagaya ng mga kabataang nahuhumaling sa kwento ng “That Promdi Girl” na isinulat ni Sic Santos, isang blogger, Wattpad writer at professional virgin, ay saya at kilig din ang aking naramdaman.

Narito ang kanyang kwento.

Dahil wala akong mai-status, mag ku-kwento nalang ako.

Nakuha ko ang ideya ng That Promdi Girl ng minsan nasa bus ako at papunta ng Maynila. May girl akong katabi nun sa bus. Habang nagbabasa ako ng libro, kinausap niya ako. Ano raw binabasa ko. Pinakita ko sa kanya ‘yung title ng book. Sabi niya english daw. Hindi raw siya nagbabasa ng english kasi masakit daw sa ulo. Natawa ako. Kasi ang laughtrip niya magsalita.

So, nagkwentuhan nalang kami. Sabi ko nagsusulat ako ng story. Then, kapag may time raw ako gawin ko raw siyang bida. Althea raw ang name niya at galing siyang Marinduque. Galing pala siyang Marinduque pero nasa bus siya ng Batangas. Haha. Papunta raw siya ng Maynila para pumasok ng katulong. Sana nga raw mapangasawa niya ‘yung anak ng amo niya na pogi. Crush na crush niya raw kasi yun nung nakita niya sa picture. Sabi ko ang gold digger niya in a joke way. Natawa na naman siya. Hindi raw siya gold digger kasi hindi niya alam meaning nun. Snob lang daw siya. Nyahaha. Sa kanya ko nakuha yung snob.

May nilabas siyang suman, inalok niya ako. Kinuha ko naman at sabi ko masarap. Siya raw gumawa nung suman at isang buwan na raw ang lumilipas nung ginawa niya ‘yun. Tawanan na naman kami. Ang ingay namin sa bus.

Nauna siyang bumaba sa akin. Sa may Magallanes bumaba na siya. Tapos bago siya bumaba ang sabi niya “Uy, Kuya. ‘Yung story ko isulat mo ah. Hay tama na nga ‘tong usapan na ‘to. Snob pa naman ako.” muntik pa siyang madapa kasi ang bigat ng dala niyang maleta. Hahaha

I wonder kung nasaan na siya ngayon. Kung katulong pa rin ba siya o napangasawa na niya ‘yung anak ng amo niya. Hahaha

Sa kasalukuyan ay pinaghahanap ni Jonas si Althea. Si Jonas ang lalaking nakasabay ni Althea sa bus. Tulungan natin si Jonas sa paghahanap kay Althea sa pamamagitan ng pagpopost ng mga Marinduquenang may aking ganda, baka siya na si Althea. 🙂

Source and courtesy: Sic Santos, That Promdi Girl

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts

Leave a Comment