Dalawang bata sa Brgy. Aturan, Sta. Cruz, nalunod sa ilog

Nalunod sa ilog ang dalawang batang lalaki na may edad apat at limang taong gulang sa Barangay Aturan, Sta. Cruz, Marinduque kahapon Hunyo 15 bandang alas sais ng gabi.

Nakita ang mga bata na wala ng buhay habang magkahawak kamay sa ilog na malapit sa kanilang tahanan.

Nagsagawa na ng Post Mortem Examination si Dr. Tito Rejano kasama ang Sta. Cruz, Marinduque – Philippine National Police.

Ayon kay Dr. Rejano, “Nalunod ang mga bata (magpinsan) sa ilog na matatagpuan sa Sitio Ibaba na kung tawagin ay Kabo. Ang ilog ay may lalim na limang talampakan at may libtong pa”.

Related posts

4 Thoughts to “Dalawang bata sa Brgy. Aturan, Sta. Cruz, nalunod sa ilog”

  1. manuel espiritu

    Sana naman po kung magbabalita ilagay lahat nang detalye katulad nang dalawang batang nalunod sa Aturan Sta. Cruz Marinduque hindi nakalagay ang pangalan ng dalawang bata o kung di man sana nilagay pangalan ng magulang ng mga bata.

    1. Hello Kabayang Manuel, salamat sa iyong komento, we will consider that going forward. As for this particular report, we didn’t include the name of the victims nor the name of the parents as we tried to contact them to ask permission however no response from their end so we decided not to mention their identities.

  2. Taga marinduque ako at natutuwa ako na may online news para sa mga Marinduquinews.

    1. Maraming salamat Kabayang Edmar, ang ganitong mensahe ang lubos na nagbibigay sa amin ng inspirasyon na ipagpatuloy ang paghahatid ng balita na may kinalaman sa ating mahal na lalawigan na bagaman lahat ng mga tao behind this site paid nothing, just purely voluntary works because of love towards our province. Nawa ay madami pang maging volunteer reporter at contributor ang News Online na ito. 🙂

Leave a Comment