Happy Father’s Day Papa, Ama, Tatay, Itay, Daddy at Erpat

Ika’y naging matibay, nagsilbing haligi ng bahay,
pagmamahal mo ay tunay, inaalay ang buhay.
Mapagmahal mong mga kamay ang matapang na umaalalay,
alagang walang kapantay, walang kapalit na hinihintay.

Ikaw ang aking superhero na magtatanggol sa mundo,
ikaw ang aking idolo na ipagmamalaki kahit kanino,
ikaw ang aking payaso sa tuwing nalulungkot ako,
ikaw ang bumubuo ng aking simpleng pagkatao.

Pagod ay ‘d mo nararamdaman kahit hapo na ang katawan,
takot ay kinakalaban para lamang ako ay protektahan.
Madalas mong kalimutan ang mga pansariling kasiyahan,
ikaw ay talagang maasahan sa aking mga pangangailangan.

Salamat sa iyong libreng paggabay.
Salamat sa pagsisikap mong walang humpay.
Salamat sa pagbibigay ng buhay na makulay.
Salamat sa lahat dahil ikaw ay nagpaka-TATAY.

Halaw mula sa MOR 101.9 For Life

What's on your mind?

Related posts

Leave a Comment