Natatandaan n’yo pa ba “Ang Promdihirang Tisoy ng Marinduque”?

Sorpresang dumating kahapon, Hunyo 30, 2016 sa Fellowship Night ng Club Marinduqueno, Inc. ang dating housemate sa Bahay ni Kuya at 3rd place winner ng Pinoy Big Brother (PBB Unlimited Edition 2011) na si Joseph Emil Biggel tubong Banot, Gasan, Marinduque.

Matatandaang sumali si Biggel sa Pinoy Big Brother, isang reality show sa ABSCBN noong 2011. Ipinakilala siya sa publiko bilang “Ang Promdihirang Tisoy ng Marinduque”. Sa loob ng Bahay ni Kuya, siya ay sinubaybayan, minahal at todong sinuportahan ng kanyang mga fans lalo’t higit ng ating mga kababayang Marinduqueno kaya naman sa pagtatapos ng PBB, siya ay nakapasok sa Big 4 at itinanghal na PBB Unlimited Third Big Winner.

Sa ating pangungumusta kay Biggel, nakakatuwang isipin at marinig ang puntong Marinduqueno na hindi pa rin n’ya nakalilimutan. Ay ngani, edi ay oh, ay mandin. Ilan lamang iyan sa mga puntong maririnig mo sa tuwing siya ay magsasalita kaya lubos siyang minahal nang ating mga kababayan.

Magalang, hindi nakakalimot sa pinagmulan, puno ng determinasyon at mahal ang pamilya, iyan si Joseph Emil Biggel.

Si Biggel kasama si Dr. Roby Montellano
Si Biggel kasama si Dr. Roby Montellano
Si Biggel kasama si Prof. Mymy Profeta
Si Biggel kasama si Prof. Mymy Profeta
Ang Promdihirang Tisoy, kasama ang writer
Ang Promdihirang Tisoy, kasama ang moderator ng Marinduque News Online
Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts

Leave a Comment