Mga sangkot sa droga sa Bayan ng Boac, sumuko

Siyam katao na sangkot umano sa droga ang sumuko kay Mayor Roberto Madla at sa mga tauhan ng Boac Municipal Police Force kaninang umaga, Hulyo 11, 2016. Nanumpa na magbabagong buhay na ang nasabing mga drug personalities sa harap ni Mayor Madla at mga kagawad ng pulisya.

Sa flag raising kanina, nagpalabas ng direktiba si Mayor Madla na nag-uutos na sumailalim sa “drug test” ang lahat ng mga opisyales at kawani ng munisipalidad ng Boac.

Larawang kuha ni Pongkoy Manrique

What's on your mind?

Related posts

Leave a Comment