55 drug personalities sa bayan ng Buenavista, sumuko

Umabot sa kabuuang limampu’t lima (55) na sangkot sa droga mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Buenavista ang boluntaryong sumuko kanina, Hulyo 12, 2016 mga bandang alas 9:30 ng umaga sa mga kagawad ng Buenavista Municipal Police.

Ang mga nasabing drug personalities ay nangako ng pagbabagong buhay sa harap ni Atty. Reynaldo Ariola, Public Attorney 3 ng 2nd District ng Marinduque.

Nangako naman ng tulong pangkabuhayan sa mga sumukong personalidad ang mayor ng Buenavista na si G. Russel Madrigal.

*Original picture has been removed upon the request of Buenavista Municipal Police.
Note: In Marinduque News Online we value and respect your concern, suggestion and insight.
What's on your mind?

Related posts

Leave a Comment