Panoorin: Mga barko ng Starhorse, muntik nang magsalpukan

MOGPOG, Marinduque – Muntik na diumanong magsalpukan (near collision) ang dalawang barko ng Starhorse sa Balanacan Port, Marinduque noong Agosto 12, 2016.

Sa live video na nakunan ni Engr. Tina Sandoval, nangyari ang insidente mga bandang alas-3:30 ng hapon.

Sa panayam ng Marinduque News Online sa nag-upload ng video na si Engr. Sandoval, “The live video was really intended for my friends na hindi na nakakauwi ng Marinduque especially those from Marcopper then that incident came in, nanginig baya ang tuhod ko”.

Samantala, sa bahagi ng interview ng MNO sa Mogpog Cost Guard Sub-Station Acting Commander na si SF Ruado, pag-aaralan pa nilang mabuti ang video at saka pa lamang maglalabas ng pahayag.

Narito ang video:

Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts

One Thought to “Panoorin: Mga barko ng Starhorse, muntik nang magsalpukan”

  1. gilbert

    muntik na… sana mabigyan ng lesson ang kapitan ng barko…wala ba silang communication…

Leave a Comment