No. 1 most wanted sa Gasan, arestado

GASAN, Marinduque – Nahulog na sa kamay ng mga otoridad ang tinaguriang no. 1 most wanted person sa Gasan, Marinduque.

Kinilala ito na si Melanio Rioflorido Malvar, 56-anyos, residente ng Brgy. Bangbang ng nasabing lugar.

Ayon sa report, nahuli ang suspek sa Brgy. Quinabigan, Pinamalayan, Oriental Mindoro nitong Agosto 22, matapos ang isinagawang “Oplan Pagtugis” ng pinagsanib na pwersa ng Gasan Municipal Police, CIDG Mimaropa Region, RSOT, CIDG Oriental Mindoro, Detective and Special Operation Unit (DSOU) at Torrijos Municipal Police sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Renato B. Gleyo, Regional Trial Judge, RTC Branch 19, Isulan, Sultan Kudarat noong Enero 20, 2015.

Si Melanio ay nahaharap sa kasong attempted murder at paglabag sa Section 5 (a) of RA 9262.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Gasan Municipal Police Station ang suspek.

Photo courtesy: Gasan Municipal Police
Tell Me What You Think

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Latest posts by Romeo A. Mataac, Jr. (see all)

Related posts

Leave a Comment