1 patay, 2 kritikal sa ‘motor accident’ sa Mogpog

MOGPOG, Marinduque – Patay ang isang lalaking nakamotor samantalang nasa kritikal na kondisyon naman ang dalawang backride nito matapos na bumangga sa poste ng Marelco ang kanilang sinasakyang Yamaha motorcycle. Nangyari ang aksidente kaninang alas 5:15 ng hapon sa Brgy, Nangka 1, Mogpog, Marinduque.

Ayon sa panayam ng Marinduque News Online sa chief investigator ng Mogpog Police Station, kinilala ang nasawi na si Joseph Labaguis, male, 17 years old habang ang dalawa pang biktima na nasa malubhang kalagayan at isinugod sa Marinduque Provincial Hospital ay kinilalang sina Joshua Requillas, male, 18 years old at Salvador Bataqui, male, 18 years old. Ang mga biktima ay pawang mga mag-aaral (senior highschool) sa Marinduque Academy at mga residente ng Brgy. Sumangga, Mogpog, Marinduque.

Nanggaling diumano sa isang kasiyahan sa Ulong Beach Resort ng nabanggit na bayan ang mga biktima.

Tell Me What You Think

Kabayan, share me. Thank you!

Romeo A. Mataac, Jr.

About the Author: Romeo A. Mataac, Jr. is the founder and chief correspondent of Marinduque News Network. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. He has five year background experience in finance & accounting operations and business process outsourcing. Myong, as he is fondly called by his friends, born and raised in the province of Marinduque. He loves travelling and doing community outreach activities. Email address: info.marinduque@gmail.com. Follow his social media accounts below.

Leave a Reply

shares
error: Content is protected !!