Former Sen. Miriam Defensor Santiago pumanaw na, 71

Kinumpirma ni dating DILG Usec. Narciso “Jun” Santiago na pumanaw na ang kaniyang asawang si dating Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Ayon kay ginoong Santiago, nasa isang private room ang dating mambabatas nang ito ay bawian ng buhay.

Hindi muna nagsiwalat ng iba pang detalye ang pamilya dahil abala pa raw sila sa pagsasa-ayos ng labi ng senadora.

Ang mambabatas ay dati nang natukoy na may lung cancer.

Source and courtesy: Bombo Radyo
What's on your mind?

Related posts

Leave a Comment