Lalaki sa Boac na umano’y tulak ng shabu, huli sa buy bust

BOAC, Marinduque – Nahuli sa Boac, Marinduque ang isang lalaking tulak umano ng ipinagbabawal na droga.

Naaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya nitong Huwebes, Setyembre 29, 2016 bandang alas 2:40 ng hapon si Alexander Calingasan dela Rosa kilala sa tawag na Alex, apatnapu’t anim na taong gulang at residente ng Barangay Bantad Boac, Marinduque.

Narekober mula sa suspek ang tatlong sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may kabuuang timbang na 0.1342 gramo at may street value na Php 3, 000.00, mga cellphones at isang libong piso na siyang ginamit na buy bust money.

Nakakulong ngayon sa detention facility ng Boac Municipal Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Photo courtesy: Boac Police Community Relation
What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts

Leave a Comment