Ex-mayor Briones patay, sa banggaan ng motor at bus sa Torrijos

TORRIJOS, Marinduque – Idineklarang wala nang buhay ang dating mayor at ngayo’y konsehal ng bayan ng Torrijos, Marinduque na si Coun. Gil Briones ito ay matapos na mabangga ang kanyang sinasakyang motorsiklo ng isang pampasaherong bus bandang alas-6:40 ngayong umaga, Oktubre 6, 2016.

Ayon sa panayam ng Marinduque News Online kay Police Inspector Mikhail Gennadi Valeroso, Officer in Charge ng Torrijos Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa tapat ng sementeryo ng nasabing bayan.

Bumisita diumano ang ex-mayor sa puntod ng asawa nito at noong pauwi na sakay ng kanyang motorsiklo habang tinatahak ang paakyat na bahagi ng kalsada patungong national highway ay aksidenteng nabangga ito ng Jac Liner bus.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Torrijos PNP ang driver ng naturang bus.

Para sa iba pang larawan, click here.

Photo courtesy: Jhay-Ar Laylay Flores II

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts

One Thought to “Ex-mayor Briones patay, sa banggaan ng motor at bus sa Torrijos”

Leave a Comment