BUENAVISTA, Marinduque – Sa kulungan ang bagsak ng 12 mangingisda matapos na mahuli ng mga otoridad na nagsasagawa ng iligal na pangingisda sa bayan ng Buenavista, lalawigan ng Marinduque nitong Martes, Oktubre 11.
Sa nakalap na impormasyon ng Marinduque News Online, nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Buenavista PNP Maritime at bantay dagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang labindalawang katao na gumagamit umano ng dinamita habang nangingisda sa tapat ng karagatan ng Baywalk, Barangay Dos, Buenavista.
Ang mga mangingisdang nahuli ay nagmula pa at pawang naninirahan sa Barangay Barra, Lucena City.
Sa ngayon ay nakakulong na sa Buenavista Municipal Police Station ang mga suspek na nakatakdang sampahan ng karampatang kaso.
Photo courtesy: Paul Lasper | For more images, please click here.
- 6 MSME sa Marinduque, lalahok sa Food Connect Program ng DTI - June 20, 2022
- Taas-pasahe sa mga barkong biyaheng Marinduque, ipatutupad simula July 15 - June 18, 2022
- Produksyon ng tsokolate sa Marinduque, nais palakasin ng DTI - June 16, 2022