Abangan ang biyahe ni Jay Taruc sa Marinduque

Isang lutong babalik-balikan ang natikman ng dokumentaristang si Jay Taruc sa kanyang paglalakbay sa coastal town ng Brgy. Bognuyan, Gasan, Marinduque.

Isang higanteng ‘kagang’ o crawfish na niluto sa buko ang inihanda ng mga Marinduqueno para sa Kapuso journalist.

Kaya ang hatol ng gutom ng rider sa kagang: “Manamisnamis ang laman, sarsa pa lang, mapapakanin ka na.”

jay-taruc-in-marinduque-kagang

Matatandaan na nagpost ang Marinduque News Online sa official facebook nito noong Setyembre 15 na naghihikayat sa mga Marinduqueno na magbahagi ng kanilang kakaibang kwento o stories.

Ang inyong mga ibinahaging kwento ay ipinadala ng Marinduque News Online sa Motorcycle Diaries kaya naman ang ilan dito ang siyang napiling itampok sa nasabing programa.

Ang Motorcycle Diaries ni Jay Taruc ay mapapanood tuwing Huwebes, 10:00 PM sa GMA News TV.

Maki-angkas sa iba’t ibang biyaheng tutuklas at tatalakay sa buhay ng ating mga kababayan saan mang bahagi ng Pilipinas.

Photo courtesy: Jay Taruc Instagram | First-Third Paragraph: NewsKo
What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts

Leave a Comment