Velasco ng Marinduque, isa sa iilan na unang sumuporta kay Duterte

Sa isang pagpupulong ni Presidente Rodrigo Duterte kasama ang Filipino Community na ginanap sa Grand Hyatt Hotel sa Beijing, China nitong Oktubre 19, binanggit nito na isa si Congressman Lord Allan Velasco ng Marinduque sa iilan na unang sumuporta sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo.

Ayon sa bahagi ng pahayag ni Duterte, “Kaya ako, I had to run with no body supporting me. Maniwala kayo. Na wala akong governor sa Luzon except two, Imee Marcos and Representative Abet Garcia ng Bataan and of course from Marinduque, si Velas[quez]co”.

Narito ang buong talumpati ni Pangulong Duterte.

Matatandaan na sa Marinduque inilaan ng dating mayor ng Davao City ang kanyang huling out-of-town campaign sortie, ito ay sa kabila na maliit lamang na bilang ng mga botante sa nasabing lalawigan.

What's on your mind?

Romeo A. Mataac, Jr.

Chief Correspondent at Marinduque News Network
Romeo is the founder and chief correspondent of MNN. Concurrently, he is a researcher in a leading global professional services company. Myong, as he is fondly called by his friends, is a true Marinduqueno by heart who loves travelling and exploring places.​

Related posts

Leave a Comment