Ikalawang Bahagi: Unos sa pagsampa pa lamang ng kaso sa Canada

Clearly, the immediate signing of said proposal agreement, if ever it becomes your choice, without the necessary changes in favor of the Province would be very disadvantageous to the province. – Bishop of Boac, Marcelino Antonio Maralit, Jr. to PGM Sa gitna ng mga misteryo at namumuong unos sa usapin pa lamang ng pagsampa ng kaso ng Marinduque sa Canada laban sa Placer Dome-Barrick Gold, umaasa pa rin at nananalangin ang Obispo ng Boac, bilang tagapagtaguyod ng 87% ng mga Katoliko sa Marinduque, na kumapit ang mga kinauukulan sa lahat…

Unang bahagi: Unos sa pagsampa pa lamang ng kaso sa Canada

Inagaluluko ng mas masahol pa kaysa dati ang Marinduqueno? Mapayapang nagsiuwian ang mga dumalo sa En Banc Committee Hearing ng SP kamakalawa ng umaga. Ito ay kinabibilangan ng mga bokal ng Sangguniang Panlalawigan, mga miyembro ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC), mga opisyal mula sa ilang bayan at representante ng Kongresista ng Marinduque. Naimbitahan din at nagpaunlak naman ang Obispo ng Boac, Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. Pero pagdating ng hapon ay naiba ang hihip ng hangin. Base sa impormasyon, maayos na isinumite at pinag-usapan naman sa miting ang…

Hand tractors, ipinagkaloob sa 7 barangay sa bayan ng Torrijos

TORRIJOS, Marinduque – Ang pamahalaang bayan ng Torrijos sa ilalim ng programa ng Bottoms Up Budgeting (BUB) ay nagkaloob ng pitong ‘hand tractors’ sa mga magsasaka nitong Oktubre 24, 2016. Ang mga barangay na nakatanggap ng ‘hand tractors’ ay ang Marlanga, Mabuhay, Poctoy, Malinao, Cabuyo, Kayduke at Bonliw. Pinangunahan ni Mayor Lorna Velasco ang simpleng seremonya na dinaluhan ng mga kawani mula sa Department of Agriculture. Sinaksihan din ng ilang opisyal ng pamahalaang bayan at mga punong barangay ang ‘turn over ceremony’.

Vote for Cherrie Atilano, The Marinduque and Earth Mover

Cherrie Atilano, a farmer and social entrepreneur who founded AGREA (Agriculture + Gaea) is being nominated in Rappler’s Move Awards 2016, Earth Mover category. Earth Mover is an individual who is a proponent of environmental rights and empowers others to take action for its sustainability and protection. Cherrie and Her Advocacy Cherrie believes that it is one of the greatest ironies that farmers and fisherfolk – the producers and harvesters of our food – are amongst the poorest and the hungriest. This is not only unjust, but also a threat…

Search and retrieval, patuloy para sa ‘cadaver’ na namataan sa karagatan ng Laylay, Boac

BOAC, Marinduque – Patuloy ang isinasagawang search and retrieval operations sa ‘cadaver’ na namataan ng isang mangingisda na nagpapalutang-lutang sa karagatan ng barangay Laylay, Boac, Marinduque kahapon, Oktubre 23, bandang alas-12:00 ng hapon. Ayon sa report, kulay itim ang damit ng biktima at nakamaong na short. Nang makita umano ng mangingisda ang ‘cadaver’, nagulat at natakot ang nasabing mangingisda kaya iniwan niya ito upang humingi ng tulong. Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Kabalikat 475 Marinduque, Boac Municipal Police Station, Marinduque Animal & Wildlife Rescue Team, Boac MDRRMO, Philippine…