Bahagi ng Malindig Institute sa bayan ng Sta. Cruz, nasunog

STA. CRUZ, Marinduque – Tinupok ng apoy ang bahagi ng Malindig Institute sa Sta. Cruz, Marinduque.

Ayon sa report nagsimula ang sunog bago mag-alas dose kaninang madaling araw, Nobyembre 6 sa nasabing eskwelahan na matatagpuan sa Osmena Street, barangay Lapu-Lapu, Santa Cruz, Marinduque.

Nakatanggap umano ng report ang Bureau of Fire Protection-Sta. Cruz na nasusunog ang paaralan bandang alas-12:30 kaninang umaga. Agad namang rumesponde ang BFP Sta. Cruz kasama ang Sta. Cruz MDRRM Rescue and Fire Volunteers. Sa laki ng apoy kinailangan pa ang tulong ng BFP Torrijos, BFP Mogpog at BFP Provincial.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng pagsiklab ng apoy.

This is a developing story. Please refresh for updates.

Photo courtesy of Jemster Regio
What's on your mind?

Related posts

Leave a Comment