MOGPOG, Marinduque – Isang lalaking pawikan ang natagpuan ng mangingisda sa baybayin ng barangay Balanacan, Mogpog, Marinduque bandang alas-12:00 ng umaga kanina, Nobyembre 21.
Nang matagpuan ang pawikan, dinala ito sa tabing dagat upang hindi manganib ang buhay nito.
Agad ipinaalam ng mga opisyales ng barangay sa tanggapan ng Marinduque Provincial Veterinary Office at Department of Environment and Natural Resources ang pangyayari. Sa pagsusuri, wala naman nakitang sugat sa katawan ng pawikan kaya pinakawalan din ito kaagad.
Photo courtesy of Dr. JM Victoria
Latest posts by Romeo A. Mataac, Jr. (see all)
- 6 MSME sa Marinduque, lalahok sa Food Connect Program ng DTI - June 20, 2022
- Taas-pasahe sa mga barkong biyaheng Marinduque, ipatutupad simula July 15 - June 18, 2022
- Produksyon ng tsokolate sa Marinduque, nais palakasin ng DTI - June 16, 2022