Kakaibang gimik ng mga taga Buenavista sa pagdiriwang ng Bonifacio Day

BUENAVISTA, Marinduque – Kakaiba ang naging paggunita ng mga kababayan natin sa Timbo, Buenavista, Marinduque sa pag-alaala sa kapanganakan ng ating bayani na si Gat. Andres Bonifacio na ipinagdiriwang sa buong bansa ngayong araw, Nobyembre 30.

Ang matitipunong lalaki at mga haligi ng tahanan, aba’y nagbihis babae para ipakita na sila ay mga Andres De Saya. Matapos iparada ang kani-kanilang mga kasuotan, kanya-kanya na silang nagpatalbugan.

Tuwang-tuwa naman ang manonood sa natatanging gimik na ito.

Narito ang iba pang mga larawan.

Photo courtesy of Airose Manalo Solas

Related posts

One Thought to “Kakaibang gimik ng mga taga Buenavista sa pagdiriwang ng Bonifacio Day”

  1. Marieta P. Rioveros

    Sana lang po maramdaman namin yong bigay ng DOH at makita kung saan napapunta,sana mabigyan ng tulong ang mga mag sasaka,lalo ng ngayong nasira lahat ng aming mga pananim,mabigyan kami ng kahit kunting puhunan na pwede naming pag umpisahan ,sana po matulungan naman kami ..salamat po

Leave a Comment